Rice Subsidy sa Iba, Zambales nasa pangatlong linggo na

Nabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Iba, Zambales na makabili ng bigas sa halagang bente pesos kada kilo.

Ito ay sa pamamagitan ng Rice Subsidy Program ng Ikalawang Distrito ng Zambales at ng Lokal na Pamahalaan na ngayon ay nasa ikatlong linggo na.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon kay Vice Mayor Joan Ballesteros, mayroong nakalaang araw at oras sa bawat baranggay para sa paghahatid at pagbebenta ng bigas.

Ang mga pamilya ay nabibigyan ng pagkakataon na makabili nito mula limang kilo o depende sa kung ilan ang myembro ng isang pamilya.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Matatandaan, dati na ring inilunsad ng 2nd congressional district ng probinsya ang programa ang ilang mga bayan para matulungan ang mamamayan lalo na ngayong mahal ang presyo ng bigas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: LGU IBA