10 out of school youth sa region 2, sumailalim sa farm immersion

Sumailalim sa farm immersion ang 10 out ouf school youth na miyembro ng 4H club sa Rehiyon 2.

Ito ay sa ilalim ng 2021 Adopt a Farm Youth program na inilunsad ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center katuwang ang mga Pamahalaang Panlalawigan at lokal na pamahalaan sa rehiyon.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Layunin ng naturang programa na mahubog ang kapabilidad ng mga kabataan bilang maging lider sa advancing agricultural growth and development sa kanilang komunidad.

Sasailalim sila sa 45 na araw ng farm immersion sa mga ATI certified learning sites para sa isasagawang hands on training sa good agricultural practices, technologies maging sa farm and resource management.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Mabibigyan ang 10 Osy ng NCII certificate sa agri-related competencies kapag natapos ng mga ito ang naturang pagsasanay.