LPU-Batangas grad, Top 1 sa Pharma licensure exam

BATANGAS CITY – Nanguna ang graduate mula sa Lyceum of the Philippines University – Batangas sa isinagawang Pharmacist Licensure Examinations noong nakaraang June 2021.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), Top 1 si Deanne Marizthel Janda Madrio sa 93.55 rating.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Siya ay nanguna sa 1,546 successful examinees.

Sa kanyang Facebook post, lubos naman ang pasasalamat ni Deanne sa kanyang mga magulang, paaralan at ang lahat na mga tumulong sa kanya para maabot ang pangarap na maging isang licensed pharmacist.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa kabuuan ay umabot sa 2,337 Pharmacy graduates ang kumuha ng naturang eksaminasyon sa Maynila, Baguio, Davao, Lucena, Tacloban at Tuguegarao.

Pasok naman ang Adamson University, St. Scholatica’s College – Tacloban, at University of the Philippines sa mga top performing schools na nakakuha ng 100 percent ng mga estudyanteng nakapasa.