10 bahay, nasunog sa Puerto Princesa

Umabot sa sampung (10) kabahayan ang nasunog nitong Linggo ng hapon sa Purok Bagong Pag-asa Libis road bgy. San pedro, Puerto Princesa City.

Ayon kay SFO1 Mark Anthony Llacuna ng BFP,  sa naturang bilang ay lima ang totally damage habang lima rin ang bahagyang nasunog nang sumiklab ang apoy bandang alas-sais ng hapon ng Linggo.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Sinabi ni Llacuna na hindi nila inaalis sa imbestigasyon ang anggulong posibleng sinadya ang pagsiklab ng apoy dahil sa di umano ay may nagtapon ng upos ng sigarilyo sa isang bahay na nasunog.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Ang mga nasunogan ay walang naisalbang gamit dahil mabilis nilamon ng apoy ang mga gusali na yari sa light materials.

Samantala, ang mga nasunogan ay nananawagan ng tulong sa lokal na pamahalaan upang makapag-simulang muli.