11 barangay sa So.Cot, apektado ng ASF; 7 bayan, inilagay sa pink zone

KORONADAL CITY- LABING-isang mga barangay na sa lalawigan ng South Cotabato ang apektado ng African Swine Fever o ASF.

Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot na 10 sa mga ito ay nasa bayan ng Banga at isa naman sa Surallah.

Inihayag ni Bigot na ang kaso sa Banga ay dahil sa nakapasok na ASF infected na baboy habang travelling boar naman ang rason ng pagkalat ng virus sa Surallah.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ang naturang mga bayan ay inilagay na sa ‘red zone’ kung saan ipinagbabawal sa sa mga backyard hog raisers ang pagpapalabas ng baboy papunta sa ibang bayan.

Kailangan din ng mga ito na ipa-test ang kanilang baboy sa ASF bago katayain sa slaughterhouse at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkatay sa mga bahay-bahay.

Samantala, pitong mga bayan naman ang inilagay sa ‘pink zone’, ang Lake Sebu, Norala, Sto.Niño, Tantangan, Koronadal, Tupi at T’Boli.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ang mga ito ayon kay Bigot ay walang kaso ng ASF ngunit may mataas na risgo na mapasukan ng virus.
Sa ilalim ng ‘pink zone classification’, maaari ang mga itong makapagpapasok ng mga baboy mula sa katulad nitong pink zone areas.

Nananatili naman sa green zone at ligtas sa naturang virus ang bayan ng Tampakan at Polomolok.
Sa datos ng PVet, 98 na mga backyard hog raisers at isang hog farm na ang apektado ng ASF sa South Cotabato.