Negosyante, sugatan matapos makatakas sa mga snatcher

Sugatan ang isang negosyante na kinilalang si Jean Jean Aquias ng Antipuluan, Narra matapos niyang takasan ang snatcher na humablot ng kanyang bag sa National Highway ng Barangay Malinao, Narra Palawan.

Ayon kay Jean Jean, bandang alas-otso ng gabi nitong Linggo, July 3, 2022 habang siya’y nagmamaneho ng motorsiklo galing Abo- abo ay dinikitan siya ng suspek na naka-motorsiklo bago hinablot ang kanyang sling bag na may lamang pera.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Tinangka ng biktima na tumakas kaya binilisan niya ang kanyang takbo upang hindi maagaw ang bag pero sumemplang siya sa motorsiklo.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ayon sa ilang tumulong at nakakita sa nangyari sa biktima ay dalawang motorsiklo umano ang sumunod sa biktima kagabi.

Samantala, ang insidente ay iniimbestigahan na ng Narra PNP.