CAMARINES NORTE- Nagsimula na kahapon ang 10 araw na pagdiriwang ng Pinyasan Festival sa bayan ng Daet Camarines Norte matapos ang 2 taon na hindi natunghayan ng publiko ang malaking selebrasyon na ito
Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Thanksgiving Mass para sa opisyal na pagbubukas ng mga aktibidad
Binuksan na rin kahapon ang Pinyasan trade fair na naglalayon na maipakita ang mga tampok na produkto kung saan kilala ang bayan ng Daet bilang syang sentro ng komersyo sa lalawigan ng Camarines Norte
Habang ganap na alas 8 ng gabi ay sinimulan ang Pinyasan we will rock you battle of the bands na dalawang araw na mapapanood sa Pineapple Landmark Daet elevated Plaza
Maliban dito ay inaabangan na rin ang Miss Pinayassan 2022, Miss gay Pinaysan 2022 gayundin ang paligsahan sa festival costume competition, Pinyasan Fashion show with Camarines Norte models, Star Millenium Pinyasan Variety Show at marami pang iba
Ang Pinyasan festival ay ang isa sa mga pinakatampok na pagdiriwang sa paggunita sa kapistahan ng patron nito na si San Juan Bautista.
Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika- tatlong linggo ng buwan ng Hunyo at tema ngayong taon ang “Come and Experience the Sweet Tourism Restart!” na may layuning palakasin ang turismo sa buong bayan.
