Deklarasyon ng State of Calamity hinihintay ng LGU Naga bago magpadala ng tulong sa Sorsogon

NAGA CITY- Bilang pagsunod sa patakaran at pagrespeto , hinihintay pa ng lokal na pamahalaan ng Naga ang pormal na deklarasyon ng State of Calamity sa probinsya ng Sorsogon kaugnay ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Paliwanag ni City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) Chief Allen  Reondanga, nakahanda naman ang Naga subalit may mga patakaran din sa pagpapaabot ng tulong LGU-to-LGU.  Kung wala pang deklarasyon nangangahulugan din na kaya pa ng apektadong lugar ang sitwasyon at pondo para sa ayuda.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Katunayan aniya napagplanuhan na ito pero may limitasyon ang LGU sa humanitarian aid.