CAMARINES NORTE- Isinailalim ng Inter Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases sa pinakamababang Covid- 19 Alert Level ang apat na bayan sa lalawigan ng Camarines Norte simula ngayong araw, Hunyo 16 hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.
Ito ay makaraang makapagtala na ng mataas na COVID- 19 vaccination coverage sa apat na bayan
Ang bagong Alert Level classification ay inanunsiyo kahapon ni Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar.
Ang apat na bayan sa lalawigan na nasa ilalim na ng Alert Level 1 ay ang Basud, Capalonga, San Vicente at ang kabiserang bayan ng Daet.
Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang alas 6 ng umaga kahapon nasa 79 .9 % na ang vaccination coverage sa Basud.
Sa senior citizen nasa 2, 940 na ang nabakunahan sa target na 3, 868 o 76 percent.
Mataas na rin ang vaccination coverage sa naturang bayan sa age group na 18- 59 na mayroon nang 19, 105 na nabakunahan sa target na 23, 215 o 82. 3 %.
Lalong mas mataas ang vaccination coverage sa age group na 12- 17 na mayroong 5, 323 sa target na 5, 515 o 96. 5 %.
Pagdating naman sa 5- 11 anyos ay mababa pa ang vaccination coverage na may 1, 459 sa target na 6, 864 o 21. 3 %.
Sa bayan naman ng Capalonga ay nasa 78. 5 % na ang vaccination coverage.
Nasa 2, 228 na ang nabakunahan sa senior citizen sa target na 3, 037 o 73 %.
Pagdating naman sa age group na 18- 59 nasa 14, 252 ang nabakunahan sa target na 18, 232 o 78. 2 %
Sumobra naman sa target ang nabakunahan sa age group na 12- 17 na mayroong 4, 632 na nabakunahan kumpara sa target na 4, 332 o nasa 106. 9 %.
Mababa naman ang vaccination coverage sa 5- 11 na nasa 1, 122 sa target na 5, 393 o 20. 8 %.
Ang San Vicente naman na una nang isinailalim sa Alert Level 1 ay nasa 95. 6 % na ang vaccination coverage.
Lumagpas sa target population ang nabakunahan sa hanay ng senior citizen na mayroong 1, 004 kumpara sa target na 980 o 102. 4 %.
Maging nalagpasan din ng San Vicente ang vaccination coverage sa 18- 59 at 12- 17 age groups.
Sa 18- 59 nasa 6, 007 ang nabakunbahan sa target na 5, 882 o 102. 1 %
Sa age group naman na 12- 17 ay nasa ay nasa 106. 1 % ang vaccination coverage at 14. 1 % sa 5- 11.
Ang kabiserang bayan naman ng Daet ay nasa 82 . 1 % na ang pangkalahatang vaccination coverage.
Sa senior citizen nasa 83. 2 % na ang nabakunahan, 92. 2 % sa 18- 59 at 76. 9% sa 12- 17.
Mababa pa rin ang vaccination coverage sa age group na 5- 11 sa 11. 0 %.
