1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Barangay Rotonda, Koronadal

KORONADAL CITY — PATAY ang isang babae habang sugatan naman ang kasama nito sa nangyaring pamamaril pasado alas-10:00 ngayong umaga lamang sa Purok Garcia, Barangay Rotonda, Koronadal.

Sa inisyal na impormasyon, kinilala ang binawian ng buhay na si Jesusa Binas Lorenzo, alyas Pacit, 42-anyos, at residente din ng barangay.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sugatan din sa pamamaril ang isang Ernie Ramirez, nasa legal na edad at residente ng Barangay GPS, Koronadal.

Nangyari ang insidente sa Marbel Homeowners’s Association Incorporated sa nasabing barangay kung saan nagpanggap umanong mga customer at mag-a-apply para sa lupa ang dalawang suspek bago binaril ang dalawa.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Agad namang tumakas ang mga suspek sa krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing pamamaril.