Magdadala ang low-pressure area ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao, Eastern Visayas, at Central Visayas.
Ayon sa weather agency, ang LPA ay huling namataan sa 185 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, kasabay ng intertropical convergence zone na nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Pinapayuhan naman ng PAGASA ang mga apektadong residente na maghanda laban sa posibleng flash floods o landslides sa panahon ng severe thunderstorms.

Samantala, ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.
Posible rin umano ang flash floods o landslides sa oras ng severe thunderstorms. //MHEL PACIA-TRINIDAD