Nilahukan ng 200 na indibidwal mula sa Brgy. Calaocan, San Agustin, Isabela ang isinagawang community outreach program ng PNP Isabela katuwang ang Officers Ladies Club noong December 26.
Layunin ng programa ang makapagbigay ng tuwa sa mga bata at mga pamilyang mababahagian ng mga serbisyo at regalo.
Kaugnay nito, ilan sa mga serbisyo na natanggap ng mga benepisyaryo ay ang pamamahagi ng food packs, slippers, school supplies, assorted medicines at cash gifts.
Nagsagawa rin sila ng free medical check-up, feeding activity, libreng gupit at tree planting.