𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔

Nakilala na ang isang bangkay ng lalaki na natagpuang palutang-lutang sa ilog na sakop ng Amulung, Cagayan.

Kinilala ang nasawi na si Leomar Fenix, 35-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Sta Isabel Sur, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, nagtungo umano ang biktima kasama ang kaniyang kapatid at pamangkin sa Bintacan River upang manguha sana ng Igat.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Dahil sa malakas na pag-ulan at hanging dala ng Bagyong Goring sa araw na iyon, naanod ito ng malakas na agos ng tubig hanggang sa hindi na muling nakaahon pa.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Una nang dumulog ang kaanak ng biktima sa Ilagan Police Station na nawawala ito.

Ayon naman kay Elizabeth Fenix ang asawa ng biktima, hindi naman aniya nakainom ang kaniyang asawa ng sila’y nagtungo sa ilog.

Nakumpirma ang pagkakakilanlan ng biktima dahil na rin sa suot nitong sweatshirt na kulay berde mula sa TUPAD.