COMELEC, pinalawig ang pagsusumite ng COC dulot ng sama ng panahon

Pinalawig ng Commission on Election ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Metro Manila, Abra at Ilocos Norte.

Read More:  7-Eleven warns of possible legal action over intentional food tampering amid hotdog video

Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, pinalawig ng poll body hanggang sa September 3 ng alas 5 ng hapon mula sa unang deadline na September 2 ang paghahain ng COC.

Ito ay dahil sa nararanasang buhos ng ulan at mga pagbaha sa mga nabanggit na lugar na dulot ng habagat at ng trough ni Bagyong Goring.

Read More:  Three tropical cyclones boost Habagat rains in Luzon as PAGASA tracks Pilandok

Sinuspinde rin ng COMELEC ang pasok sa lahat ng kanilang tanggapan sa National Capital Region.