‘OVP confidential fund dadaan sa butas ng karayom’-Makabayan Bloc

Sinisiguro ng Makabayan bloc na makapagtatanong na sila sa oras na dinggin sa plenaryo ang usapin sa pondo ng Office of the Vice President (OVP) matapos na hindi makahirit sa budget hearing.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, sinabi nito hindi sila nakaporma sa pagdinig kahapon kasama sina House Deputy Minority Leader France Castro at Kabataan Rep. Raoul Manuel na halatang minadali ang pagpupulong.

Ayon kay Cong. Brosas, paniguradong magpapatawag sila ng presscon para maipaliwanag ang mga usapin na hindi masagot-sagot sa tinatalakay na confidential funds.

Para naman kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Michael Poa, walang masama sa confidential na budget bata alinsunod ito 1987 Constitution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *