Tiniyak ng pamunuan ng Association of Cauayan Fireworks na ligtas ang mga pampa-ingay at mga paputok na kanilang mga ibinebenta para sa nalalapit na bagong taon.
Sa panayam ng Brigada News Team kay Melbourne Villanueva, ang Presidente ng naturang asosasyon, dumaan aniya sila sa matinding training mula pa noong Agosto upang matiyak na legal at ligtas ang kanilang mga produkto.
Dagdag naman ni Bong Ebora, ang Vice President ng asosasyon, sumailalim din sila sa mga safety training.
Samantala, matatagpuan ang bilihan ng mga paputok sa Barangay Cabaruan kung saan mayroon itong 22 stalls at ang mga vendors ay mayroong 10 years experience.
Mayroon ding mga permit to sell at lisensiya ang mga vendors sa naturang asosasyon na mula pa sa Kampo Krame.
Kaugnay nito, matumal pa anila ang mga mamimili na bumibisita sa kanilang tindahan pero inaasahan na dadagsain ito bago ang bisperas ng bagong taon.
Wala namang pagtaas sa presyo ng mga paputok kung ikukumpara ito noong nakaraang taon.