𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗦; 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝟮𝟵𝗞 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔

Arestado ang isang lalaki matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng Solano Police Station sa Barangay Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team sa Police Regional Office 2, kinilala ang naaresto na si alyas Kiko, isang High Value Individual.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Nakumpiska mula sa direktang pag-iingat ng naaresto ang 4.4 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P29, 920, isang pang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, cellphone at iba pa.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng PNP Solano ang naaresto para karagdagang dokumentasyon.