NAGA CITY – Nasa 1, 391 Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries sa Camarines Sur ng Department of Social Welfare and Development Office, ang nagtapos o grumaduate na sa programa ngayong taong 2023.
Ito ang nakuhang impormasyon kay Harry Jay Daet, Social Welfare Officer IV Provincial Link, SWAD CamSur.
Kung saan, ito ang mga pamilyang natulungang makawala sa kahirapan, gumanda na ang buhay at tuluyan nang inalis sa programa.
Halos nasa 130, 151 ding mga benepisyaryo ng programa sa probinsya ang naitala, nitong Octubre 2023, na patuloy pang madadagdagan at mababawasan.
Ayon pa sa opisyal, mahalaga ang ganitong programa ng Gobyerno, katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan, iba pang mga stakeholders, organisasyon, dahil malaki ang naitutulong nito na mabawasan ang mga pamilyang nakakaranas ng kahirapan na halos nga ang iba wala nang makain.
Katunayan marami na rin sa probinsya ang nabigyan ng Huwarang Pamilyang parangal nagpapakita na malaki ang naging pagbabago sa kanilang pamumuhay.