𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗜𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗡𝗜𝗧𝗨𝗗𝗘 𝟲.𝟮 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗗𝗢𝗟

Aabot sa magnitude 6.2 na lindol ang naranasan ng mga residente ng Dalupiri Island, Cagayan maging ang mga kalapit nitong lugar bandang 11:35 ng umaga kanina, October 4.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa ulo ang 11-anyos na batang lalaki sa isla ng Calayan. Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Calayan na rumesponde sa insidente, tumakbo anila ang bata nang maramdaman ang lindol at nauntog ito sa kanilang kubo na siyang dahilan ng kaniyang sugat.

Mabilis namang naitakbo sa pagamutan ang bata at nasa maayos ng lagay.

Samantala, wala namang naitalang casualties at mga sira ang Provincial Capitol ng Isabela na naramdaman din ang lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *