𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗖𝗞-𝗨𝗣, 𝗜𝗦𝗔-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗜𝗦𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

Nasawi ang drayber ng motorsiklo matapos itong sumalpok sa isang pick-up sa Barangay Muñoz West, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang nasawi at tsuper ng motorsiklo na si Marcelino Pardible, 42-anyos, magsasaka habang sugatan naman ag angkas nitong si Ronnie Dela Cruz, 51-anyos na kapwa residente ng San Placido, Roxas, Isabela.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Kinilala naman ang drayber ng pick-up na si Regiemar Racoma, 23-anyos na residente naman ng Rizal, Roxas, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na tinatahak ng pick-up ang patinog na direksyon habang sa kasalungat naman na linya ang motorsiklo nang bigla umanong napunta sa linya ng pick-up ang motorsiklo na nagsanhi ng kanilang banggaan.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang drayber ng motorsiklo na si Pardible kung saan naidala pa ito sa pagamutan ngunit idineklara ding dead on arrival.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Habang nilalapatan naman ng lunas ang backrider na si Dela Cruz.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyong ng pulisya at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Roxas Police Station ang mga nasangkot na sasakyan na inaalam pa ang kabuoang pinsala.