Naniniwala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na makakamit ang ‘peaceful’ at ‘manageable’ na sitwasyon sa Metro Manila hanggang sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo.
Ayon kay NCRPO spokesperon Lt. Col. Luisito Andaya, wala pa rin silang nakikitang mga seryosong banta sa rehiyon hanggang sa July 23.
Tuluy-tuloy din umano ang kanilang intelligence monitoring para masigurong maaagapan ang mga nais manggulo sa SONA.

Sa kabuoan, mayrong nasa 23,000 na kapulisan ang ide-deploy sa palibot ng Batasang Pambansa Complex at sa mga karatig na lugar.
Sa huli, muling tiniyak ni Andaya na ipatutupad nila ang maximum tolerance sa mga raliyesta’t mga magsasagawa ng mga kilos-protesta.//LGD, edited MHEL PACIA