𝗞𝗔𝗥𝗔𝗠𝗕𝗢𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗜𝗦𝗔-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Nasawi ang backrider ng motorsiklo na may-ari ng isang junkshop matapos ang nangyaring karambola ng sasakyan sa Villaros, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang nasawi na si Roselyn Taberna, 45-anyos na siyang angkas ng drayber ng motorsiklong minamaheho ni Benjamin Manantan, 42-anyos at isang construction worker.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Habang kinilala naman ang drayber ng Toyota Hilux na si Jayson Magbitang, 42-anyos at ang drayber ng Isuzu Truck Tractor Head na si Regie Palacay, 22-anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na patungong Solano ang motorsiklo habang pareho namang papuntang Diadi ang Pick-Up at Truck nang mangyari ang insidente.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Nag-overtake umano ang pick-up sa truck na nagsanhi upang mabangga nito ang kasalubong na motorsiklo kung saan dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang backrider na si Taberna at dito na nasagasahan ng truck.

Dahil dito, nagtamo si Taberna ng malalang pinsala sa katawan na nagsanhi ng kaniyang agarang kamatayan habang idinala naman sa pagamutan ang kaniyang drayber na si Manantan.