SP muling nagpaalala sa mga guidelines ng pagsasagawa ng motor vehicle activities sa lalawigan

Muling nagpaalala ang Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon sa mga guidelines ng pagsasagawa ng motor vehicle activities sa lalawigan.

Sa advisory ng FB page ng Office of the Secretary ng Sangguniang Panlalawigan, nakalatag ang kabuuan ng Provincial Ordinance No. 14-2023 o An Ordinance Requiring Event Organizers to Obtain Necessary Permits from the Land Transportation Office (LTO) and Highway Patrol Group (HPG) bilang pagsunod sa nakasaad sa RA No. 4136 o An Act to Compile the Laws Relative to the Land Transportation and Traffic Rules na bumubuo ng Land Transportation Commission na silang mangunguna sa pagpapatupad ng mga guidelines ng mga sponsored motor vehicle activities na isasagawa sa National, Provincial, City at Municipal roads sa Sorsogon nagsimulang ipatupad nitong Mayo, 2023.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Kabilang sa mga motor vehicle activies na tinukoy ng nasabing Provincial Ordinance ay motor adventure, motor endurance at motor competition o exhibition.

Nakasaad rin sa ordinansa na kailangang kumuha ang mga organizers ng mga kaukulang permits sa loob ng 30 araw bago ang aktuwal na araw ng kaganapan.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Hindi rin papayagan ang LGU na maki-cooperate sa nasabing event kung wala itong maipakita na kaukulang permit mula sa LTO at HPG.

Matatandaan na nitong Agosto, naging kontrobersyal ang umano’y pang i-scam na nangyari sa 1st Gubat Motourista Challenge sa bayan ng Gubat.