𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥-𝗗𝗘-𝗘𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗢𝗡𝗚-𝗣𝗔𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang binata matapos umanong patayin ang ina ng kaniyang menor de edad na kasintahan.

Sinampahan na kasong consented abduction of a minor, at robbery with homicide ang suspek na kinilalang si alyas “Karl”.

Ayon sa report, nakasikubre ang bangkay ni Floradel Ocap De Mesa, 39-anyos sa kanilang bahay sa Purok 8, Sampaguita Site, San Luis, Baguio City kung saan mayroong nakitaan ito ng apat na saksak at anim na sugat.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ligtas naman ang kaniyang tatlong taong gulang na kapatid na natagpuang natutulog sa tabi ng nasawi.

Samantala, pinaniniwalaan na sapilitang kinuha ng suspek ang menor-de-edad nitong kasintahan maging ang P125,000 na inutang pa ni Floradel para sa operasyon ng asawang nasa hospital.

Natunton naman ng mga otoridad ang nire-rentahang kwarto ng suspek sa Tumauini, Isabela kung saan ito naaresto.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Natagpuan din sa nasabing lugar ang dalagitang anak ng biktima at ibinigay nito sa pulisya ang 1-inch knife na pagmamay-ari ng suspek na pinaniniwalaang ginamit nito sa karumal-dumal na krimen.

Sa kasalukuyan, nakakulong na sa Baguio City Jail ang suspek habang nasa kustodiya naman ng City Social Welfare and Development Office ang dalagita.

May be an image of text that says 'BRIGADA 92.9 92.9NECAN NEWS FM CAUAYAN AUAYAN CIT CRIME SCENE DOND SABE BINATANG PUMATAY UMANO SA INA NG KANIYANG MENOR-DE-EDAD NA KASINTAHAN, NAHAHARAP SA PATONG-PATONG NA KASO 92.9 BNFM Cauayan brigadanews.ph 0965-558-2542 92.9 Brigada News Cauayan City'