𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗥𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗔 𝗣𝟮𝟲/𝗞𝗜𝗟𝗢

Itinaas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang presyo ng pagbili ng tuyong palay mula sa mga magsasaka sa probinsya.

Batay sa anunsyo ng PGI, mula sa dating dalawampu’t limang piso sa kada kilo ng palay ay ginawa na itong P26.00 sa kada kilo.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang mga produktong palay na bibilhin ay kailangang mayroong 14% na Moisture Content o mas mababa pa.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Dahil dito patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga magsasaka na maaari silang magbenta ng kanilang mga aning palay sa Buying Center na nakahimpil sa NPGC White Triplex Warehouse, Barangay Sinabbaran, Echague, Isabela.