Guro, patay matapos maaksidente sa Taal, Batangas

Patay ang isang 26-anyos na guro matapos na maaksidente habang sakay sa kanyang motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Tulo, Taal, Batangas.

Kinilala ng Taal Municipal Police Station ang biktima na si Neil Bryan Cadiz, residente ng Brgy. Buli, Taal.  

Batay sa inisyal na imbestigasyon, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo ay nakasalubong nito ang isang van na minamaneho naman ng driver na si Rodolfo Polido.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Police Major Fernando Fernando, ang hepe ng Taal Municipal Police Station, base raw sa CCTV footage na kanilang nakuha, tama ang takbo at linya ng biktima bago siya bumangga sa kasalubong na van.

Pinag-aaralan daw nila ngayon kung posibleng dahil sa kalsada ang nangyaring aksidente.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng naturang himpilan ang driver ng van habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ngayong araw naman, inaasahang pormal nang sasampahan na ng mga kaanak ng biktima ang driver ng truck ng kasong Reckless Imprudence resulting to homicide and damage to property.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *