Patay na sanggol nakuha sa basurahan sa Naga City

NAGA CITY- Kaawa-aawa ang lagay ng isang babaeng sanggol nang makita ng garbage collector sa Naga City, nakabalot sa garbage bag at wala nang buhay.

Sa ulat ng pulisya bandang 1:30 ng madaling araw kanina Sept. 26, 2023 nang makaabot sa pulisya ang impormasyon mula sa mga nagtatrabaho sa San Isidro Landfill . Ayon kay Fernando Tiburcio , 48-anyos habang siya ay nag kokolekta ng basura mula sa truck, nabuksan niya ang plastic na laman ang bagong silang na sanggol. Ayon naman sa driver ng truck na si Irwin Otilla ang basura ay galing sa ruta nila sa Dimasalang St. Cor Bagong Lipunan  Barangay Santa Cruz Naga City.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Solid Waste Management Office Head Engr. Joel Martin , sinabing hindi pa nila alam kung patay na itong isinilid o doon na namatay , mayroon pang umbilical cord ang bata.

Nakikipagtulungan na sila sa pulisya, nagrereview rin ng mga kuha ng CCTV. Hindi pa masabi sa ngayon kung residente ng Naga ang magulang o itinapon lamang sa lungsod mula sa mga karatig bayan. ย 

Magkagayunman, inaasikaso na ng SWMO ang maayos na libing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *