𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗕𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗧 𝗗𝗔𝗠

Kinumpirma ng NIA-MARIIS na nakatulong ang naranasang pag-ulan sa Lambak ng Cagayan upang mapataas ang lebel ng tubig sa Magat Dam nang hindi humantong sa critical level.

Inihayag ni Engr. Geliu Dimoloy ang Department Manager ng NIA MARIIS na bago ang bagyong Dodong ay nasa 162.9 meters above sea level ang tubig sa Magat Reservoir.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Kaugnay ditto, dahil sa ulang dala nito ay nadagdagan ng 1.7 meters hanggang 1.8 meters ang lebel ng tubig dahilan upang umabot na sa 164 ang water elevation nito.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang rotational schedule ng pagpapatunig ng Magat dam sa mga sineserbisyuhan nitong irigasyon upang makontrol ang outflow at maiwasan na maging kritikal ang lebel ng tubig dito.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Kasalukuyan umanong mayroong pang 1,500 hectares ng sakahan ang hindi pa natataniman ng palay ngunit nasa 90,000 hectares na ang napatubigan.