Sen. Hontiveros: pagta-transfer ng Philhealth sa Office of the President – ‘illogical’

Naniniwala si Senator Risa Hontiveros na “illogical” ang paglilipat ng Philhealth mula sa Department of Health papunta sa Office of the President (OP).

Sa Kapihan sa Senado, binigyang-diin ni Hontiveros na walang kakayahang magpatupad ng universal healthcare law ang OP.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Lalo na’t hanggang ngayon ay may pagkakautang pa ang executives sa health emergency allowances at hazard pay ng mga health workers mula noong magsimula ang pandemya ayon sa senadora.

Dagdag pa niya, marami pang iba na kailangang bigyan ng executive at political support ng OP katulad nalang ng pagsusulong ng mga health sector reforms.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon naman kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, wala siyang nakikitang legal issue sa pagta-transfer ng Philhealth sa OP dahil ito ay “legitimate exercise” lang ng kapangyarihan ng Pangulo.
#