𝗡𝗮𝗮𝗮𝗴𝗻𝗮𝘀 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶, 𝗻𝗮𝘁𝗮𝗴𝗽𝘂𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗩𝗶𝗿𝗮𝗰, 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗲𝘀

BNFM BICOL–  Nasa state of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa loob mismo ng kanyang tirahan sa Moonwalk, Barangay Calatagan Proper sa bayan ng Virac, Catanduanes umaga nitong Lunes.

Batay sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office, nadiskubre ito ng isang magsasaka na patungo sana sa palayan, nang mapadaan ito sa isang kubong tila pinagmumulan ng masangsang na amoy.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Matapos tingnan at usisain, dito niya nakita ang naaagnas nang bangkay na agad niya namang ipinagbigay alam sa mga otoridad.

Sa paunang imbestigasyon ng Virac PNP, kinilala itong si Rudy Belga, isa umanong laborer, tubong Bacacay, Albay ngunit mahigit 30 taon nang naninirahan sa Virac nang mag-isa at walang pamilya o kamag-anak.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa salaysay naman ng kapitbahay nito, Pebrero 28 pa nang huli nilang makitang buhay ang biktima.

Ayon sa PNP, wala silang nakikitang ‘foul play’ sa insidente kung kaya’t matapos itong maisailalim sa post mortem examination ay agad namang binigyan ng disenteng libing sa tulong ng lokal na pamahalaan.###