100% capacity sa mga pampasaherong traysikel, pahihintulutan na sa Virac, Catanduanes

BNFM BICOL—Inanunsiyo ni Virac, Catanduanes Mayor Sinforoso Sarmiento na maaari nang ibalik sa 100% capacity ang sakay ng mga pampasadang traysikel sa kanilang bayan.

Ayon sa alkalde, ang implementasyon ng naturang polisiya sa public transport ay nakasaad sa IATF rules kaugnay ng pagsasailalim ng lalawigan sa Alert Level 1 simula pa nitong March 1.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Bunsod nito, asahang magbabalik na sa normal ang pasada ng mga tricycle sa bayan ng Virac ngunit kailangan pa rin aniyang unawain ng publiko na hindi pa naman nakakabalik ang lahat ng mga mag-aaral sa face to face classes at patuloy sa pagtaas ang presyo ng gasolina kung kaya’t maaari pa ring manatali ang presyo ng pamasahe.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ganunpaman, nakatakdang isagawa ng LGU ang public hearing kung saan tatalakayin ang mas malalim na diskusyon ukol dito.###