BNFM BICOL—Apat na mga bagong kaso lamang ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region kahapon araw ng Martes.
Sa naturang bilang, tatlo sa mga ito ang mula sa probinsya ng Camarines Sur, partikular sa Naga City at mga bayan ng Pasacao at Tigaon.
Isang kaso naman ang naidagdag sa lalawigan ng Sorsogon na mula sa Sorsogon City habang zero new case ang mga probinsya ng Camarines Norte, Catanduanes, Albay at Masbate.
Bunsod nito, umabot na sa 58,943 ang mga kumpirmadong kaso ng sakit sa rehiyon kung saan 3,655 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 112 ang bilang ng mga bagong gumaling kung kaya’t nasa 53,121 na ang recoveries habang wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi na nananatili sa 2,167.###