𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜-𝗖𝗢𝗠𝗠𝗢𝗗𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗨𝗧𝗔𝗦

Bubuksan na ng Department of Agriculture ang ng Fruit and Vegetable Processing Center na nakikitang solusyon upang maiwasan ang pagtatapon ng oversupply na gulay at prutas.

Matatagpuan ang center sa loob mismo ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal sa Bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Sa pagbubukas nito ay personal na binisita ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang naturang lalawigan para magsagawa ng actual testing.

Umaasa rin ito na matutugunan na ng center ang problema sa oversupply na siyang dahilan kung bakit maraming gulay at prutas ang itinatapon na lang.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Pinagsama-sama naman ang pwersa ng Department of Agriculture, NVAT at Nueva Vizcaya Provincial Government upang makalikom ng 51 milion pesos na siyang kabuuang halaga ng nasabing pasilidad.