Idineklarang dead-on-arrival ang isang lolo matapos mabangga ng traysikel kaninang umaga, December 28, sa may national highway ng Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang lolo na si Samuel Tambalque, 63-anyos, isang karpintero, at residente ng Brgy. Rizal, Alicia, Isabela.
Samantala, nakilala naman ang drayber ng traysikel na si Francisco Olipas, 68-anyos, Traysikel drayber, at residente ng Brgy Songsong, Gamu, Isabela.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na binabaybay ng traysikel ang pa-hilagang direksiyon ng kalsada patungong Alicia, Isabela.
Pagkarating sa pinangyarihan ng insidente ay nabangga ng traysikel ang lolong tatawid sana ng kalsada.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.
Nasa pangangalaga na rin ng Echague PS ang drayber ng traysikel, maging ang mga sasakyan para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.