𝗗𝗥𝗔𝗬𝗕𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗞𝗜𝗟, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado ang isang drayber at nahaharap sa kasong pangingikil matapos ang isinagawang entrapment operation ng Tuguegarao City Police Station at Cagayan 1st Mobile Force Company sa Amulung, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, kinilala ang naaresto na si alyas Ken, 37-anyos habang ang biktima nito ay si alyas Len, 53-anyos, biyuda at isang negosyante.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Una rito, nakipag-ugnayan sa kapulisan ang biktima matapos ilang beses umano itong pagbantaan ng suspek na ikakalat nito ang kanilang video sa social sa oras na hindi ito magbigay ng pera.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Salaysay ng biktima, nasa P25, 000 ang perang hinihiling aniya ng suspek upang hindi nito ipakalat ang naturang video.

Naging matagumpay naman ang isinagawang entrapment operation ng kapulisan kung saan tinanggap ng suspek ang marked money na nagresulta ng kaniyang pagkakaaresto.