Kinilala ang Mammangi festival ng City of Ilagan bilang Best Festival Practices/Performance sa Aliw Awards 2023.
Ayon sa Department of Tourism Region 2, ito ay nagpapatunay na napanatili ng Mammangi Festival ang reputasyon sa pagiging paragon of cultural brilliance.
Bukod dito, pinarangalan rin si City of Ilagan Mayor Jay Diaz bilang Best Festival Catalyst/Organizer dahil sa patuloy nitong suporta sa festival culture ng Lunsod.
Ang dalawang parangal ay sumasalamin sa dedikasyon ng Ilagan upang mapaunlad ang kultura at magkaroon ng matiwasay na pagdiriwang ng kapistahan.