𝗣𝟯 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝟯𝟱 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗦 𝗔𝗧 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗘𝗦𝗘 𝗖𝗔𝗕𝗕𝗔𝗚𝗘, 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗠𝗕𝗔𝗚𝗨𝗜𝗢

Bumagsak na sa tatlong piso hanggang tatlumpu’t limang piso kada kilo ang presyo ng kamatis at Chinese cabbage o umbok sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, mas pinipili na ng ibang mga magsasaka na itapon na lamang ang kanilang mga inaning produkto dahil sa dami ng supply nito kung saan hindi na maibenta.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Lokal na pamahalaan ng Ambaguio na tutulungan nila ang mga apektadong magsasaka.

Ang sitwasyong nararanasan ng mga magsasaka sa nabanggit na bayan ay bunga ng sabay-sabay na pagtatanim kung kaya’t sabay-sabay din silang aani na siyang magiging dahilan kung bakit dadami ang suplay sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o NVAT.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Bukod kasi sa kanilang mga produktong idinadala sa NVAT ay kumukuha rin ang naturang terminal ng mga gulay sa lalawigan ng Ifugao.