Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na ng palutang-lutang sa ilog na sakop ng Amulung, Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Amulung Information Management, tinatayang nasa 40-anyos ang lalaki at nakasuot ng tupad sweatshirt.
Nanawagan naman ang Information Management ng Amulung sa kung sino ang nakakakilala sa nasawi.
Pinangunahan ng MDRRMO Amulung,PNP at TFLC ang nasabing retrieval operation.