Pagawaan ng ‘black cocaine’, natunton ng NBI sa Cavite

Arestado ang isang Uganda national at dalawang Pilipino dahil sa paggawa ng hinihinalang ‘black cocaine’ sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation o NBI Task Force to End Illegal Drugs, natunton nila ang isang tagong laboratoryo na gumagawa ng iligal na droga.

Nadatnan sa nasabing laboratoryo ang mga kemikal at mga baking equipment at waffle maker na ginagamit umanong kasangkapan sa paggawa ng black cocaine.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sinabi ng NBI, doon nanggaling ang mga naharang nila kamakailan na mga biskwit at tsokolate na may halong cocaine sa Parañaque City.

Nakilala ang Uganda national na si Benjamin Musoke na sinasabing miyembro ng West African drug syndicate.

Itinanggi niya na gumagawa sila ng black cocaine.

Maging ang dalawang Pilipinong sangkot, itinanggi nila na gumagawa sila ng nasabing iligal na droga.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Napag-alaman naman na dinadala sa ibang bansa ang mga black cocaine at doon ibinebenta.

Ayon pa sa NBI, unang pagkakataon ito na may nadiskubreng laboratoryo sa bansa na gumagawa ng black cocaine.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng NBI ang mga suspek na mahaharap kasong paglabag sa Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002.