Hindi normal ayon sa Philippine Navy ang ‘zigzag pattern’ na galaw ng Chinese research vessel na Ke Xue San Hao sa West Philippine Sea.
Ayon kay Navy spokesperon for the WPS, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nasa 20 nautical miles na ang kinalalagyan ng Chinse research vessel sa Sabina Shoal.
Paliwanag nya, para maituring kasing “innocent passage” ang pagdaan ng barko, dapat ay dirediretso ang takbo nito at dapat ay dumaan sa pinakamalapit na ruta.
Pero hindi umano ganito ang galaw ng San Hao.
Aminado naman si Trinidad na tali ang kanilang kamay at hanggang challenge lang ang magagawa para maiwasan ang
Gayunman, nai-report na umano nila ito sa mga kinauukulang ahensya tulad ng DFA.