Zero casualties sa pagsalubong ng bagong taon – target ng PNP

Payapang Pasko at ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon.

Ito ang patuloy umanong sinisikap ng Philippine National Police (PNP), labing-limang araw bago ang Kapaskuhan; at mahigit tatlong ligo na lang bago ang pagpasok sa taong 2023.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin – tina-target ng Pambansang Pulisya na mapababa ba ang crime rate sa bansa ngayong Disyembre.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Umaasa raw si Azurin na magtutuluy-tuloy pa ang pagbabas mga naitatalang krimen.

Ipinagmalaki niyang nitong nagdaang Undas ay 57% ang ibinaba nito, kaya naman kumpiyansa siyang mapagtatagumpayan din nila ito ngayong Disyembre.

Maliban pa rito, tina-target din umano ng PNP na makapagtala ng ‘zero casualties’ sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Umapela ang PNP chief ng kooperasyon sa publiko para masigurong wala nang masusugatan pa dahil sa mga magpapaputok.

Muli ring inabisuha ni Azurin ang mga Pilipino na huwag nang tangkilikin pa ang mga nagbebenta ng iligal na paputok, lalo na sa mga nagbegenta nito online.