Amerika, nananatili ang suporta sa mga programa ng Pilipinas ukol sa VAWC

Muling iginiit ng Amerika ang kanilang magandang commitment sa pagsuporta sa mga programa ng Pilipinas na may kinalaman sa violence against women and children (VAWC.)

Ayon kay United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, nananatiling top priority ng administrasyon ni US President Joe Biden ang mga adbokasiya ukol sa karapatan ng mga kababaihan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ginawa ni Carlson ang pahayag sa harap ng ilang mga women leaders at activists sa ginanap na #RightsforAll: Rights for Equality forum sa Ateneo Law School sa Makati City.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Bahagi ito ng labingwalong araw na kampanya ng gobyerno ukol sa VAWC.

Kaugnay nito, sinabi ni Carlson na ang napapanahon na para magkaroon ang bansa ng mas maayos at ligtas na komunidad para sa mga kababaihan at kabataan para maiwasan ang anumang pang-aabuso at krimen.//CM