17M na halaga ng illegal drugs, natuklasan ng mga tauhan ng BOC sa NAIA

Umabot sa P17.04 million na halaga ng illegal drugs ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport sa magkahiwalay na bodega sa Pasay city.

Ayon sa report, ang mga illegal drugs ay kinabibilangan ng dalawang parcel na ipapadala sana sa New Zealand, 4 na parcel na galing ng Mexico habang tatlong parcel ang nagmula naman sa America.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Napag-alaman na itinago ang mga droga na nagkakahala ng P5.6 million na papunta sana sa New Zealand sa ilang gamit na ginagamit sa pagsasanay sa taekwondo.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Umabot naman sa P11.5million ang halaga ng mga droga na galing ng Mexico habang ang parcel na galing ng US ay nakitaan ng mga cannabis oil

Hindi pa natukoy ng mga otoridad ang identity ng mga nagpadala at tatanggap sana ng mga nasabing parcel ng illegal drugs//LEO NAVARRO-MALICDEM