Nakapagtala ang lalawigan ng Zambales ng isang firecracker related incident base sa record ng Provincial Health Office.
Ayon kay Health Officer Dr. Noel Bueno, ang biktima ay isang 43-anyos na lalaki mula sa Candelaria.
Nanonood lamang umano ang biktima sa nagpapaputok sa labas ng kanilang bakuran pero tinamaan sa kanyang kanang mata.
Sa kabila nito, ayon kay Dr. Bueno hindi naman umano naging malala ang injury ng biktima.
Samantala, maliban dito ay wala na rin umanong ibang naitalang insidente na may kaugnayan sa paputok ang PHO.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
