Yoga teacher sa Dubai, kinilala ng Guinness bilang may pinakamahabang oras na naka scorpion pose sa buong mundo

Nasungkit ng isang yoga teacher na si Yash Mansukhbhai Moradiya, 21 anyos mula sa Dubai ang Guinness World Record dahil sa Scorpion Pose nito  na tumagal ng 29 minutes at 47 seconds.

Ayon kay Moradiya, nagsimula siyang mag yoga ng siya ay walong taong gulang pa lamang, kung kaya’t sa edad na 24-anyos ay nakamit niya na ang teaching certificate upang pormal na makapagturo ng yoga.

Bago niya nakamit ang prestihiyosong parangal ay dumaan siya sa matinding training na umabot sa dalawang taon.

Aniya, hinasa niyang mabuti ag kanyang katawan sa pagbalanse ng matagal na oras habang ginagawa ang “scorpion pose” bukod pa sa pag e-ensayo ng kanyang “mental resiliency”.  

Ang scorpion pose ay isang pabaliktad na pose, ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga paa sa tuktok ng ulo, habang ginagamit ang mga bisig upang pambalanse.

Kamakailan lamang nitong June 21, kung saan ipinagdiwang “International Yoga Day”, nag post ang Guinness sakanilang Instagram account ng video ni Moradiya na may caption na “longest time to hold scorpion position 29mins and  4 seconds”.

Malayo ang lamang ni Moradiya sa dating may hawak ng titulo na mayroon lamang 4 minutes at 47 seconds.

Ayon sa pag-aaral, ang yoga ay maaring makatulong na mapabuti ang cardiovascular fitness, flexibility, mabawasan ang stress, at sakit.### BERLYN VILLACRUZ, Intern