Ilang hayop sa loob ng Albay park and wild life, nawawala-BM Rosal

LEGAZPI-Pinuna ng isang board member sa lalawigan ng Albay ang umano’y nawawalang mga hayop sa loob ng Albay Parks and Wild Life na siyang pinapatako ng Provincial Government of Albay.

Sa social media post ni 2nd District Board Member Raul Rosal, sinabi nitong kulang na ang mga hayop dito.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kanya ring tinanong kung saan napunta ang mga hayop na mga nabuo o natipon simula 2017 hanggang ngayong 2022 sa pamamagitan ng deed of sale & deed of donation.

Aniya, mahigpit na sumasailalim sa inventory ang nasabing wildlife partikular na ang mga binibili at baka dinala umano sa Camarines Sur o kaya Canarom.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kung sakali man umano na dinala doon, kanyang panawagan na ibalik ito hanggang may oras pa.

Kung matatandaan, napansin rin ng ilang mga turista at residente ang pagkawala ng ilang mga hayop sa loob ng wild life at kukunti na lamang.