Yang’s family business, posibleng sangkot umano sa malaking crime syndicate

‘Bisto na sila’

‘Yan ang mariing pahayag ni Senadora Risa Hontiveros matapos maaresto ang kapatid ni Michael Yang na si Tony dahil sa pagiging wanted sa China para sa financial scamming.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Si Michael ang dating presidential economic adviser ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod nito, mas nagiging malinaw na umano sa senadora na isang malaking crime syndicate ang family business nina Yang na matagal ng nakakapambiktima ng mga tao.

Read More:  Macalintal to challenge SC ruling on barangay, SK term extension

Dagdag pa niya, ang Philippine Offshore Gaming Operator link dito ay maaring bumalik pa sa multi-billion peso pharmally scam.