Alice Guo, nakakulong na sa Pasig City Jail

Nakakulong na sa Pasig City Jail si dismissed Mayor Alice Guo matapos itong ilipat mula sa PNP Custodial Center.

Ito ay sa kabila ng ilang araw na pagka-postpone ng kautusang ito dahil sa ilang medical procedures na kailangang isagawa kay Guo.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Kaugnay nito, pansamantala pang nagkaroon ng kalituhan sa pagtransfer sa kanya dahil sa nakabinbin nitong motion na manatili sa kustodiya ng PNP.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ngunit nilinaw naman na dahil nailipat na siya sa Pasig City Jail ay wala ng bisa ang naturang motion.

Sa kasalukuyan, napabilang si Guo sa 44 na inmate sa kasalukuyan nyang selda sa naturang piitan.