Opisyal nang nagsimula ang World Youth Day 2023 sa Lisbon, Portugal simula ngayong araw Hulyo 31, 2023 hanggang sa Agosto 7, 2023 araw sa Pilipinas.
Ito ay itinuturing na biggest event sa pananampalatayang kristiyano na nilalahukan ng milyun-milyong mga kabataan na mula sa ibat-ibang panig ng mundo.
Ayon sa inilabas na ulat ng Vatican humigit 700 na mga Obispo, at 20 mga cardinal ang inaaasahang pupunta kasama ang nasa 20,000 mga volunteer at mga pilgrim na mula sa 200 mga bansa.
Pangungunahan naman ni Pope Francis ang naturang pagtitipon na itinuturing ding kanyang kauna-unahang event na dinaluhan simula noong siya ay nagkasakit.
Matatandaan na ginanap sa Roma ang kauna-unahang taon ng WYD noong 1986, at dito naman sa Pilipinas isinagawa noong 1995. ### KENNETH BERMIL