World No. 1 Ash Barty, nagretiro na mula sa tennis

Nagretiro na si world number one Ash Barty mula sa professional tennis sa edad na 25, at sa peak ng kanyang laro, matapos umano ma-fulfil ang kanyang tennis goals at pagod sa buhay sa Tour.

Si Barty ay nagretiro na may 15 titulo, halos dalawang buwan matapos manalo sa Australian Open, ang kanyang pangatlong Grand Slam singles triumph kasunod ng 2021 Wimbledon at 2019 French Open.

Ayon sa kanya, hindi umano siya titigil na mahalin ang tennis, bilang ito ang malaking bahagi ng kanyang buhay, pero mas mahalaga na ma-enjoy niya ang susunod na yugto ng kanyang buhay bilang Ash Barty na tao, at hindi bilang atleta.

Si Ash ay may kabuoang 121 weeks bilang world number one.

Matatandaan na ito na ang pangalawang “retirement” ni Barty mula sa sport, matapos ang late-2014 nang tumalikod rin mula sa laro, pero bumalik noong 2016 at mabilis na tumaas sa rankings. //MHEL PACIA-TRINIDAD